How to Create a Shopee Seller Account
Upang makagawa ng Shopee Seller Account, kailangan mag-download ng Shopee App sa Playstore/Appstore.
For Android User
For IOS/Iphone User
1. Gumawa ng Account. Siguraduhing tama ang lahat ng impormasyon na ilalagay sa iyong account.
Username: Mag-isip ng username na pang-matagalan dahil hindi na ito maaaring palitan. Kung ang account na gagawin ay para sa negosyo maaaring maglagay ng username na hindi gamit ang iyong tunay na pangalan.
Name: Gamitin ang iyong tunay na Pangalan.
Phone Number: Active & Verified (Importante ito dahil gagamitin ito sa mga transaksyon kapag nasimulan na ang pagbebenta sa Shopee)
Region:
Province:
City:
Barangay:
Postal Code:
(Ilagay ang kumpletong address dahil ito ang gagamitin ng courier/rider kung pipiliin mo na ang iyong produkto ay kuhanin sa iyong tirahan/bodega)
2. Pindutin ang "My Shop" sa Me tab, at pindutin ang "Add New Product" sa My shop.
3. Maglagay ng maganda at malinaw na larawan ng iyong produkto.
4. Punan ang mga detalye na naaangkop sa iyong inilagay na produkto.
5. Pindutin ang "Submit" kapag natapos na ang paglalagay ng lahat ng impormasyon at hintayin na maaprubahan ng Shopee ang iyong produkto.
Notes:- Hindi maaaring maglagay ng mga salitang "Facebook" at iba pa sa bawat description at chat sa Shopee dahil maaaring di maaprubahan ang paglagay ninyo ng inyong produkto.
- Maaaring makita ang "status" ng iyong produkto sa "My Product". Tignan kung naaprubahan ito at kung hindi naman, suriin kung ano ang iyong maling nailagay o nalabag sa mga patakaran ng Shopee.
Disclaimer: Ang mga larawan ng inilagay sa blog na ito ay nanggaling sa Shopee App. Ginawa ang blog na ito upang tulungan ang mga kapwa ko Filipino na nais magsimula ng kanilang negosyo sa Shopee.
Dagdagan ko na lamang ang mga "Notes" sa blog na ito para sa mga sariling karanasan ko bilang isang seller sa Shopee.
Maaari din ninyo akong i-follow para makita ang ilan pang mga blog na gagawin ko tungkol sa Shopee at marami pang iba.
Maari kayong magbigay ng comment lalo na sa mga tao na wala pang Shopee App sa kanilang cellphone, baka sakaling makatulong ako sa inyong mga katanungan.
Maraming salamat!
Thank you po. Makaktulong po itong post para sa mga gustong subukan maging shopee seller.
ReplyDeleteThank you din po :)
DeleteMahirap po ba maging seller sa shopee?
ReplyDeleteHindi naman po, lalo kapag nakapagpost po kayo ng hindi lumalabag sa shopee rules, madali na po pagnakapost na po yung item.
Deletemay bayad po b mging seller ng shopee?
ReplyDeleteWala pong bayad magsign-up as seller sa shopee, pero may kaltas po for every product sold, depende sa price ng item.
Deletepwede po ba mag sign up kahit nasa US
Delete