Skip to main content

Featured

How to Register for new Business in BIR RDO 043 Pasig City (Individual)

How to Register your New Business in BIR RDO 043 Pasig City (Individual: Single Proprietor) Hi,  Narito ako para ibahagi sa inyo kung paano irehistro ang inyong bagong negosyo sa BIR RDO 043 Pasig City. Lahat ng maibabahagi ko ay base lamang sa aking personal na karanasan at maaaring magbago ang ibang detalye na mababanggit dito sa mga paglipas ng panahon. Unang hakbang ay alamin kung saang Revenue District Office ang kinabibilangan ng lokasyon ng inyong business or ng taxpayer, sa amin, nakabilang po ito sa RDO -043 Pasig. Maari kayong tumawag sa mga sumusunod na number para makumpirma saang RDO kayo kabilang. 8538-3200 8981-7478 8981-7479 8981-7452 8981-7003 8981-7046 8981-7040 8981-7030 8981-7020 8981-7419 Sa mga taong kabilang din sa RDO 043, maaari kong maibahagi ang proseso ng personal na pagrerehistro ng inyong bagong negosyo sa BIR. Ang RDO 043 ay matatagpuan sa Estancia Mall, Unit 504 & 506 5th Floor Estancia Bldg. West Wing, E Capitol Dr, Pasig.  Ang maibaba...

How to get Health Certificate and Mayor's/working Permit in Mandaluyong City Hall

How to get Health Certificate and Mayor's/working Permit in Mandaluyong City Hall

Hi, welcome to my first ever blog post! :) Narito ako para ibahagi sa inyo kung paano kumuha ng health certificate at mayor's/working permit para sa mga taong magtatrabaho sa Mandaluyong City. Lahat ng maibabahagi ko ay base lamang sa aking personal na karanasan at maaaring magbago ang ibang detalye na mababanggit dito sa mga paglipas ng panahon.

Paano pumunta?
Sumakay ng MRT o bus at bumaba sa Boni station. Maglakad hanggang sa New Horizon Hotel at makikita sa kanan ang sakayan ng jeep pa Mandaluyong City Hall.

Narito ang mga iminumungkahi kong mga hakbang sa pagkuha ng mga ito:

1. Mga Babayaran:
         Cedula                                                      22.00
         Police Clearance                                    125.00
         X-RAY(Good for 1 year)                         150.00
         Health (with seminar)                               50.00
         Urine & Stool Laboratory                          80.00
         Mayor's Permit                                         50.00
   Mga karagdagang bayad:
         Cups for urine and stool                            10.00 
         Extra charge for Police clearance               5.00
         Notaryo ng mayor's permit                        30.00

2. Mga kailangang dalhin:
  • Isa o mahigit pang ID
  • Maari ng magdala ng urine at stool sample upang mas mapabilis ang iyong proseso at hindi na bumili ng cups para sa samples ng mga ito.
  • Ballpen
  • Sabon at alcohol kung pipiliin na doon umihi at dumumi para sa urine at stool sample.
  • Isang 1x1 picture
  • Pagkain kung ayaw gumastos at hindi kumain pag-alis ng bahay.     
3. Pumunta sa blue building, maglabas ng ID at pumila para magbayad sa counter 1-9.

4. Sa tabi ng counter 1, magbayad ng cedula.

5. Lumabas ng blue building at pumunta sa green building na katapat nito at pumasok sa loob sundan ang mga nakasulat sa pader na direksyon kung saan papunta ang x-ray. Magpasa ng urine at stool sample at pumila para sa x-ray. Ang unang pangkat/batch ng nagpasa ng urine at stool ay makukuha ang resulta ng 11:30 ng umaga at ang pangalawang pangkat naman ay 2:00 ng hapon. Ang unang pangkat ng x-ray na isinagawa sa oras na 8:00-11:30 ng umaga ay makukuha ng 12:00 PM at ang mga na-isagawa sa oras na 1:30-4:00 ng hapon ay makukuha sa oras na 3:00-4:00 ng hapon.






6. Bumalik sa unahan o entrance ng green building, sa unang kwarto sa kaliwa katabi ng information's desk ay matatagpuan ang seminar room na ginaganap tuwing alas 9:00 ng umaga at 1:00 ng hapon. Tandaan ang numero ng ibibigay sa inyo dahil sasabihin ito sa pagkuha ng health certificate. Tumatagal ito ng isang oras.

7. Kumuha ng police clearance sa building na katabi ng green building. 
  • Kumuha ng application form sa window 1 at sagutan.
  • Bumalik sa window 1 or 2 upang makita kung tama ang pagsagot sa application form.
  • Tumuloy sa window 3 para magpalitrato.
  • Maghintay sa pagtawag ng iyong pangalan sa waiting area para sa releasing ng inyong Police Clearance Certificate.
  • Maghanda ng 5 pesos at pumunta sa window 4 or 5 para kunin ang certificate. Wag kalimutan mag-thumb mark at basahin kung tama ang detalye na nakalagay sa certificate.
8. Magpunta muli sa blue building at umakyat sa 3rd floor para sa pagkuha ng health certificate. Maghanda ng 1x1 picture, resulta ng urine,stool at xray at tandaan ang numero na ibinigay sa seminar. Tumungo sa windows 1,2 or 3. Pagkatapos ay hintayin matawag ang pangalan at huwag kalimutan mag-thumbmark.

9. Bumaba sa 1st floor ng blue building, ihanda ang health certificate at police clearance, magtungo sa windows 23 or 24 at humingi ng form para sa mayor's permit. Sagutan ang dalawang kopya at maghanda ng 30 pesos para sa notaryo. Ibalik ang nasagutang form at sa wakas tapos na at handa ka ng magtrabaho!



NOTES:

  • Valid ang mga dokumentong ito hanggang December 31 at parehong proseso lamang ang ginagawa sa renewal.
  • Ang medical na isinagawa sa ibang lugar ay hindi tinatanggap. Kailangan sa kanila ka kukuha.
  • Kung hindi komportable na gumamit ng pampublikong palikuran o banyo. Magdala na ng sample para sa urine at stool. Makakatipid ka din ng 10 pesos.
  • Ang banyo ay matatagpuan sa pagpasok ng gate ng city hall. Hindi pinapayagan gumamit ng banyo sa blue building kung kukuha ng samples. (May naninita)
  • Kung may kasama man lalo kung matanda, may lounge area sa blue building at may upuan sa bawat floor.
  • May free wifi sa loob ng isang oras.
  • Pwede namang balikan ang resulta kung hindi mahihintay sa parehong araw na isinagawa ang pagbibigay ng samples.
  • Maraming makakainan sa paligid ng city hall gaya ng Jollibee, tapa king, greenwich, chowking, mga karinderya at iba pa.
  • Hindi makukuha ang mayor's permit kung walang health certificate at police clearance.
  • Payo lamang, mas maganda pumunta bago pa lamang magbukas ang City Hall o bago mag 8.
  • Depende sa araw ang dami ng tao. Pati sa bilis ng proseso. May araw na wala gaanong tao, may araw na marami.
  • Isang araw lamang ang buong proseso.
  • Note: Maaaring magbago ang mga presyo ng mga nabanggit sa itaas sa mga darating na panahon.
  • Disclaimer: hindi ako opisyal sa mandaluyong, katulad din ako ninyo na kumuha lang din at ibinahagi ito sa mga impormasyon upang makatulong sa mga kailangan ding kumuha.

Maraming salamat!


Comments

  1. Pano po pag may cedula at police clearance na??

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi, sa pagkakatanda ko, kailangan doon mo rin kukunin ang cedula at police clearance.

      Delete
    2. Yung mga dinitalye mong amount pag tinotal ayun lahat yun?

      Delete
    3. Gud day po. Gnyan prin po ba ang process ng pag kuha ngaung 2022?

      Delete
  2. Kahit po ba hindi taga mandaluyong sa mandaluyong pa din kukuha ng police clearance?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi, taga-malabon po ako. At sa pagkakatanda ko po, kahit may police clearance ako sa malabon, hindi ko yun nagamit kasi kailangan sa kanila kukuha. Hindi ko lang sigurado kung nagbago na ang proseso ngayon.

      Delete
    2. mam kelangan din duon ang medical?

      Delete
  3. Thank you poooo super malaking tulong !!👍👌👌👌👌

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi, thank you sa pagcomment. Mabuti at nakatulong ako sayo :)

      Delete
  4. Kailangan po ba ng health permit kahit office work at hindi food service ang kine of work?

    ReplyDelete
  5. Bkit di tatangapin ang ang medical o xray sa labas diba bawal yun ..diba pwde e awas nlng sa bayad ?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nung nag-apply po ako meron din po akong dalang medical pero at police clearance pero hindi po tinanggap way back 2016 hindi ko pa po na update kung may changes ngayong 2020.

      Delete
  6. maam meron po ako xtray kakakuha kulang po

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nung nag-apply po ako meron din po akong dalang medical pero at police clearance pero hindi po tinanggap way back 2016 hindi ko pa po na update kung may changes ngayong 2020.

      Delete
  7. Required po ba tlga kumuha ng police clearance ng mandaluyong khit meron nang police clearance sa ibang lugar?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi, opo required po. Hindi ko rin po alam kung bakit pero ganun po ang nangyari sakin nung kumuha ako.

      Delete
  8. Required po ba tlga kumuha ng police clearance ng mandaluyong khit meron nang police clearance sa ibang lugar?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nung nag-apply po ako meron din po akong dalang medical pero at police clearance pero hindi po tinanggap way back 2016 hindi ko pa po na update kung may changes ngayong 2020.

      Delete
  9. Salamat .. Malaki din ang naitulong nito sken 😊😊😊

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi, salamat sa pagcomment. Mabuti at nakatulong ako sayo. :)

      Delete
  10. wala poba bayad ang first timer nakukuha palng po ng Health card?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi, meron po kasi nung first time po ako kumuha. Nagbayad din po ako.

      Delete
  11. Hello. Ask ko lang yung sa xray valid ba siya for 1 year? Pwede kaya magpa request ng copy kasi naipasa ko ata yung original copy sa recent employer ko.

    ReplyDelete
  12. Kailngan pa ba ng xray ?? at police clearance na naka address ng Mandaluyong kung meron ka pero galing qc ??

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nung nag-apply po ako meron din po akong dalang medical pero at police clearance pero hindi po tinanggap way back 2016 hindi ko pa po na update kung may changes ngayong 2020.

      Delete
  13. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
  14. panu if my police clearance at xray pa at may cedula . .rin kailangan ba kukuha parin ako ng panibago ulit ... salamat .sana ma sagot nyo po yung tanong ko ..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nung nag-apply po ako meron din po akong dalang medical pero at police clearance pero hindi po tinanggap way back 2016 hindi ko pa po na update kung may changes ngayong 2020.

      Delete
  15. panu if my police clearance at xray pa at may cedula . .rin kailangan ba kukuha parin ako ng panibago ulit ... salamat .sana ma sagot nyo po yung tanong ko ..

    ReplyDelete
  16. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
  17. panu if my police clearance at xray pa at may cedula . .rin kailangan ba kukuha parin ako ng panibago ulit ... salamat .sana ma sagot nyo po yung tanong ko ..

    ReplyDelete
  18. panu if my police clearance at xray pa at may cedula . .rin kailangan ba kukuha parin ako ng panibago ulit ... salamat .sana ma sagot nyo po yung tanong ko ..

    ReplyDelete
  19. panu if my police clearance at xray pa at may cedula . .rin kailangan ba kukuha parin ako ng panibago ulit ... salamat .sana ma sagot nyo po yung tanong ko ..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi, ganyan din po ako nung unang kumuha pero kumuha pa din po ako ulit ng lahat kasi required po na sa kanila kuhanin. Hindi ko lang po sigurado kung nagbago na po ngayon.

      Delete
  20. My bayad po ba pag nagpachange address ng health card

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi, sa tingin ko meron, kasi lahat ng process sa kanila may bayad. At kung sakali man sa mandaluyong ka pa din magtatrabaho, taon taon naman siya pinapalitan kaya next year mo na lang siguro palitan. Ang importante lang naman ay may maipakita ka na health card kapag may nag-inspect.

      Delete
  21. hi po pede magtanung. nagpamedical kase ako sa kanila ng january. nakuha ko na medical ko ng january pero di ako nakapagpaseminar and di ko pa nakuha health card ko. tas bukas pinpakuha sakin ung health card ko ng manda. pede pa kaya ung medical ko? january ko sya kinuha.

    ReplyDelete
  22. Magkano po kaya magagastos ko sa medical at healthcard from antipolo po ako.

    ReplyDelete
    Replies
    1. sir nakalagay po sa unang bahagi ng post ang mga babayaran.

      Delete
  23. Same process din po ba kung ngayong kukuha? Thank you po

    ReplyDelete
  24. Very informative and detailed post! Thank you

    ReplyDelete
  25. Maraming salamat po. Sobrang laking tulong!

    ReplyDelete
  26. Good pm ask ko lng if need ba ng onlibe appointment sa kanila or pwde na walk in. Salamat

    ReplyDelete
  27. Kailangan po ba duon saknila magpapa-medical? Yung occupational permit duon din po ba kukunin saknila?

    ReplyDelete
  28. hello po ask ko lng po pano kaya if may problema xray ko makakakuha pa po kaya ako ng mayors health

    ReplyDelete
  29. pag may medical at x-ray po sa labas pwede na po ba yun?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nung time na kumuha ako sir, hindi po nila pinapayagan na sa labas galing, kumuha pa rin po ako sa kanila mismo kahit meron na po akong medical at xray sa iba.

      Delete
  30. Hello po pede pong magtanong kung ano pong need pra maka kuha ng Health Card jan sa Mandaluyong

    ReplyDelete
  31. Ngaun po kaya ano na po kaya ung requirements nila? Baka need na ng rapid test?

    ReplyDelete
  32. Open po ba sila ng saturday? May online registration narin po ba sa manadaluyong? Thank you po

    ReplyDelete
  33. Hello po ask ko lng my health card nko sa manila applicable p rin b sya gmitin khit sa megamall ako ngwowtk kc part din kc ng maynila un..

    ReplyDelete
  34. Magandang araw ngayong 2022 same process parin ba?

    ReplyDelete
  35. Hello po Salamat Sa info ano ano po mga Ida need nila order poba baranggay I'd?

    ReplyDelete
  36. Pwede po ba ang nbi sa quezon city imbis na police clearance sa city hall?

    ReplyDelete
  37. Salamat nakatulong ng sobra 🍻

    ReplyDelete
  38. Hi pede Po bang papalitan Yung name Ng establishment? Pano Po kaya process nun?

    ReplyDelete
  39. Salamat sa guide. Pero medyo sinuwerte ako, kahit 10am ako nagsimula mabilis lang natapos. Ang nagpatagal lang talaga sa akin yung antayan ng result ng stools, urine at x-ray. BTW wala naman daw seminar ng kailangan puntahan, dumerecho police clearance na after ng x-ray.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi. hindi po nila tinatanggap pag sa ibang clinic galing yung medical?

      Delete
    2. Yes po, hindi sila tumatanggap galing ibang clinic.

      Delete
  40. San po pwede magpagawa ng cbc at physical exam diba po kasi sa mga food industry kailangan ng basic 5 (Stool,Urine,Xray,Physical exam,CBC) Need help po

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts