How to Register for new Business in BIR RDO 043 Pasig City (Individual)
How to Register your New Business in BIR RDO 043 Pasig City
(Individual: Single Proprietor)
Unang hakbang ay alamin kung saang Revenue District Office ang kinabibilangan ng lokasyon ng inyong business or ng taxpayer, sa amin, nakabilang po ito sa RDO -043 Pasig. Maari kayong tumawag sa mga sumusunod na number para makumpirma saang RDO kayo kabilang.
8538-3200
8981-7478
8981-7479
8981-7452
8981-7003
8981-7046
8981-7040
8981-7030
8981-7020
8981-7419
Sa mga taong kabilang din sa RDO 043, maaari kong maibahagi ang proseso ng personal na pagrerehistro ng inyong bagong negosyo sa BIR. Ang RDO 043 ay matatagpuan sa Estancia Mall, Unit 504 & 506 5th Floor Estancia Bldg. West Wing, E Capitol Dr, Pasig.
Ang maibabahagi ko lamang na daan papunta ay kapag kayo ay pupunta ng nakamotor dahil yun ang ginamit naming mode of transportation.
Gamitin itong picture for reference na pwede niyong gamitin kapag nagtanong kung saan ang parking.
Sa mga nakamotor, pagpasok niyo sa parking, baba pa po kayo ng 2 beses para sa parking ng mga motor.
60 pesos ang parking fee sa mga motor na maari niyo pong bayaran sa loob pagakyat ng escalator. Huwag kakalimutan bago bumaba sa parking dahil hindi po kayo makakalabas dahil doon po kayo bibigyan ng card na gagamitin sa exit.
Akyat po kayo ng escalator ng 3 beses at pumasok po kayo sa SM Department store para lumabas ulit at hanapin ang Happy Lemon sa tabi noon makikita ang elevator pa 5th floor.
Pagpasok sa kanan magpakita ng ID sa guard at sabihin na magreregister for new business at sa front desk po manghihingi ng form 1901, form 0605, form 1905 (2 copies) at number para sa counter 1 & 2.
Sagutan ang mga forms at ihanda ang mga sumusunod:
- Form 1901 (2 copies)
- Form 0605 ( 2 copies)
- Photocopy ng DTI registration
- Photocopy ng ID
(2 copies para sigurado)
- 500 pesos registration fee
- 30 pesos stamp fee
- 1500 Authotity to Print (kung wala kang dala)
Kung may services kayo dalawang ATP ang kailangan SI at OR (1500 each)
- 240 pesos for columnar books (kung wala kayong dala)
Note: Tatanungin kayo sa Counter 1 kung vat/non-vat ba ang irerehistro niyo. So dapat alam niyo ang isasagot para tama ang mailagay sa Certificate of Registration niyo.
Sa pagkakaalam namin, Vat kapag 1 million pataas ang kinikita sa isang taon, Non-vat naman kung 1 million pababa.
Tatanungin din kayo kung may empleyado or wala, tandaan na ang ibig sabihin nito ay empleyadong sumasahod ng monthly dahil ilalagay nila sa COR na may ififile kayong compensation dahil may employee kayo. Kaya pagisipan mabuti dahil monthly ang filing po nito.
Pagtapos sa Counter 1 or 2, Kumuha ng number sa front desk para sa counter 4
Pagtapos sa Counter 4 bibigyan na lang po kayo ng stab para sa webinar na or online seminar tuwing Biyernes. May code po ito para makasali, idownload sa Play Store or App Store ang Zoom para makasali sa online webinar na ginaganap tuwing Biyernes 9:00 AM - 12:00 NN.
Hintayin lang ibigay ng counter 1 and Certificate of Registration at i double-check lahat ng nakasulat bago umalis.
Disclaimer:
Ito lamang ay base sa personal na karanasan at maaring magbago ang mga nakasaad dito sa paglipas ng panahon. Ginawa ko lamang itong blog para sa mga taong walang ibang mapagtatanungan, sa mga first timer din kagaya namin.
Maaari rin ninyo itong gawin online search niyo lamang po at lalabas na po ang online registration sa BIR.
Maraming salamat at God bless sa ating lahat.
Pag kukuha po ba ng health certificate need pba mv online or pede walk in po
ReplyDelete